Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 puganteng Japanese national pinalayas

0 92

Pinauwi na ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

Umalis ang mga pugante patungong Narita kasama ang kanilang Japanese police escort sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke, at Ichimura Shuichi.

Ang siyam ay kabilang umano sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong Nobyembre 2019 ng mga ahente ng BI Fugitive Search Unit.

SM food to go Banner Ad

“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ani BI Commissioner Jaime Morente.

Kamakailan, 10 pa sa kanila ang pina-deport upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik pa sa Pilipinas. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.