Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 pulis sa Jolo rubout nagtago na – Sinas

0 330

Hindi pa rin sumusuko at patuloy pa ring nagtatago ang siyam na pulis na responsible sa pagpatay sa apat na Army intelligence officer sa Jolo, Sulu sa tulong na rin ng mga kaanak nito, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas.

“So minamanmanan namin at minomonitor namin kung nasaan sila. Ang last report po ng PRO-BAR (Police Regional Office – Bangsamoro Administrative Region) ay nasa Jolo pa rin po sila at nagtatago sa mga kamag-anakan nila,” pahayag ni Sinas.

Patuloy pa rin naman ang pakikipag koordinasyon ng PNP sa pamilya ng mga dating pulis upang mapakiusapan ang mga ito na sumuko na sa batas.

Enero 14, 2021 ng magpalabas ng warrant of arrest ang Jolo, Sulu Regional Trial Court laban sa mga suspek subalit nai-turn over na ito ng PNP sa kanilang mga pamilya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.