Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 pulis swak sa murder, tanim boga

0 295

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ), ang pagsasampa ng kasong murder at planting of evidence laban sa 9 na pulis sangkot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo Sulu.

Base sa report ng NBI na nilagdaan ni Atty.Yehlen Agus, kabilang sa mga kinasuhan sina PSMS. Abdelzhimar Padjiri, PMSg. Hannie Baddiri, PSSg. Iskandar Susulon, PSSg. Erniskar Sappal, PCpl. Sulki Andaki, Pat. Moh Nur Pasani, PSSg. Almudzrin, Pat. Alkajal Mandangao at Pat. Rajiv Putalan.

Habang kinasuhan naman ng neglect of duty si Sulu Police Provincial Director PCol. Michael Bayawan; Jolo Municipal Police Station head PMaj. Walter Annayo; at si Provincial Drug Enforcement Unit PCpt. Ariel J Corcino.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng NBI na tinaniman ng baril ang mga napatay na sundalo na sina Major Arvin Indamog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco at Cpl. Abdal Asula, na pawang miyembro ng Joint Intelligence Task Group.

Napatunayan na pinagbabaril umano ng mga suspek ang mga biktima nang walang kalaban-laban noong Hunyo 29 sa Barangay Walled City.

Lumabas na negatibo ang mga sundalo sa nitrate residue at pawang sa likod ang tama ng mga ito.

Ang rekomendasyon ay ibinase sa testimonya ng may 11 saksi, isinagawang forensic examination at sa nakuhang CCTV footage. (Nancy Carvajal w/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.