Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 sa BSP Tuguegarao sapul ng COVID

0 104

SIYAM sa kawani ng Bangko Sentral ng Pilipinas –Tuguegarao City Branch (BSP-TCB) kasama ang security personnel ang nagpositibo sa coronavirus diseas-19 (COVID-19) noong Huwebes, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Sinabi ni PHO officer Dr. Carlos Cortina, sa siyam na nagpositibo sa virus, pito ay mula sa Tuguegarao City, isa mula sa bayan ng Enrile at isa sa Peñablanca.

Ayon kay Dr. Cortina, gumagawa na sila ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nasabing panibagong kaso ng COVID-19 sa Cagayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ni Cortina, bahagi ng work compliance ang pagsasailalim sa swab test sa mga kawani ng BSP na itinuturing na Authorized Persons Outside Residence o APOR.

Sa kabila nito, bukas pa rin at tuloy ang operasyon ng BSP-TCB. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.