Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 sabungero tinimbog

0 605

Swak sa kulungan ang siyam na sabungero na nahuli sa iligal na tupadahan sa Brgy. Santol, Quezon City, ng mga operatiba ng Galas Police Station (PS 11) na pinamumunuan ni PLt. Col. Elizabeth Jasmin.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBrig Gen. Danilo P Macerin, ang mga naaresto na sina Mike Taguinod, 41; Wilfredo Benedicto, 63; Reynando Salonga, 49; Hernan Bondocoy, 54; Abe Lambenicio, 32; Matthew Lim, 24; Ruben Alvarez, 51; Jeric Denver Dalen, 28, at Randy Embile, 36, pawang residente ng Brgy. Tatalon, Quezon City.
Sila ay kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Sa ulat, may tumawag na mga residente sa Galas Police Station at inireklamo ang nagaganap na tupada sa Landargun St., kanto ng Rosa Roxas St., Brgy. Santol, sa lungsod, na bukod sa iligal ay mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ang pagkukumpulan dahil sa paglobo ng bilang ng kaso ng COVID.

Agad namang tumalima ang mga awtoridad at sinalakay ang tupadahan at pinagdadampot ang mga nasabing sabungero. Nasamsam sa lugar ang dalawang manok na pangsabong, dalawang tari na may cover at P5,000.00 na bet money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.