Abante Tonite Interactive

9 SEA Games gold nais ni Macaranas

197

Umabot na sa kabuuang 530 gold medal ang paglalabanan sa isasagawa sa bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nobyembre 30 Disyembre 11.

Ito ay tapos madagdag ang pinakahuling 1,000-meter event sa canoe kayak.
Malaki ang tsansa ng Pilipinas na masungkit ang gold sa event kung saan ang lahok ng bansa na si Hermie Macaranas ang may pinakamagandang record sa buong Silangang Asya.

Maaalalang nagwagi si Macaranas ng bronze sa event apat na taon na ang nakalipas sa Singapore SEA Games bago pa umangat bilang top athlete sa 1,000M men’s canoe single event at maging world No. 18th.

Maliban sa 1,000-meter event, maaring manalo ng siyam na gold si Macaranas kung susuwertihin sa lalahukang mga event na men’s canoe 500m single event at sa doubles ng 500m at 1,000m kapareha ni OJ Fuentes.

Sina Macaranas at Fuentes ay magugunitang pumanlima sa canoe double sa huling 2018 Indonesia Asian Games.

Sasabak din si Macaranas sa limang dragon boat events na mixed 20 seater o longboat 1,000m, 500m at 200m, sa men’s 10 seater at 500m men’s 4-seater event.

Sa kabuuan ay mayroon ngayon na anim na canoe events, isa sa kayak at anim na dragon boat events.

Makakasagupa ng Pilipinas ang malalakas na Indonesia, Thailand, Vietnam at Myanmar. (Lito Oredo)