Abante Tonite Interactive

9-stag derby sa PCC — Crisostomo

284

Ikatlong grupo ng mga kalahok ang susugod sa Pasay City Cockpit sa pagpapatuloy ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayong Biyernes, Aug. 23.

Ang mga semifinalist­ ng set C sa araw na ito ang mga sasama sa qualifier mula Texas Cockpit Arena ng Rizal at mga magpapasok ng straight five stag.
Nakapag-ambag na ang Pasay Cockpit at Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) ng 16 grand finalists na may limang panalo sa gayung daming sultada bawat isa.

Sa kabuuan, 42 ang five pointers at 14 ang 4.5 points para sa grand finals sa Aug. 30 na mga ihahatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor­ 3000.

Inihayag ni LGBA president Nick Crisostomo Biyernes ang bagong iskedyul ng finalists sa mga may 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points.

Ito ay sa Lunes, Aug. 26 sa PCC kasali ang mga umiskor mula sa Manila Cockers Club, Dragon Cockpit Arena, Ang Bagong Cavite Coliseum at San Carlos Cockpit Arena. (Enjel Manato)