Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 taga-Antipolo buking sa pekeng bakuna booking

0 94

Bistado ang siyam na residente sa Antipolo City matapos magpakita ng pekeng appointment para sila’y mabakunahan kontra COVID-19.

Sa Facebook post, sinabi ni Mayor Andrea Bautista Ynares, na sinubukang pabakuna ng tatlong suspek sa isang vaccination site sa pamamagitan ng pagpapakita ng text messages na mula raw sa Antipolo Vaccination Operation Center kung saan ipinapaalam sa kanila na sila ay naka-schedule mabakunahan sa araw na iyon.

“Nang ating i-check sa system ay wala naman ang kanilang mga pangalan sa mga naka-schedule at ang numerong kanilang ipinang-text ay hindi rin pag-aari ng Antipolo Vaccination Operation Center,” saad ni Ynares.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, binitbit ang siyam na residente sa presinto kung saan inamin nila ang ginawang panloloko.

Kaya naman pinaalalahanan ni Ynares ang mga residente na sumunod sa tamang proseso.

“Halos 1 milyon ang populasyon ng Antipolo City. Ginagawa po ng pamahalaang lokal ang lahat upang mabakunahan tayo sa lalong madaling panahon. Imbes na aksayahin ang oras sa panlalamang sa kapwa, igugol na lang po natin sa pagdarasal para sa agarang pagdating ng mga bakuna mula sa DOH at ibang bansa,” saad ng alkalde. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.