Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 taong nagtago, dating pulis nalambat

0 57

Matapos ang siyam na taong pagtatago sa batas, arestado noong Miyerkoles sa Solano, Nueva Vizcaya ang isang retiradong pulis na dating barangay chairman at tinaguriang number 5 most wanted sa nasa listahan ng Highway Patrol Group (HPG) dahil sa carnapping.

Kinilala ni Solano Police Station (SPS) commander P/Capt. Jet Sanyo ang suspek na si Job Lapitan, dating miyembro ng Philippine National Police, ng nasabing bayan.

Ayon kay Sanyo, noong 2012, tinangay umano ni Lapitan, kasama ang tatlo pa, ang sasakyan ng isang abogado.

SM food to go Banner Ad

Sa bisa ng arrest warrant, natunton ng mga pulis ang suspek sa kanyang hideout sa Solano.

Sinabi ni Sanyo, isang police asset ang nagturo sa pinagtataguan ng suspek. Dinala sa SPS si Lapitan at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Samantala, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tatlong kasama ng suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.