Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 tulak arestado sa Bulacan

0 287

Siyam na tulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni Col. Lawrence Cajipe, provincial police director ng Bulacan, ang mga inaresto na sina sina Sandy Domingo y Samson, kabilang sa drug watch list ng Meycauayan City Police; Nida Barrientos; Rhodora Jose; Andy Ocampo y Ortega; Philip Ocampo; Genaro de Guzman; at Cristina Calano, parehong kasama sa drug watch list ng Malolos City; Placido de Guzman; at Brian Ibana.

Nabatid na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Meycauayan Police ang buy-bust na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.