Abante Tonite Interactive

90-araw na suspension sa North Cotabato gov pinagtibay ng Sandiganbayan

0 183

Pinagtibay ng Sandiganbayan Sixth Division ang 90-araw na suspension order laban kay North Cotabato Governor Nancy Catambo kaugnay ng fertiler fund scam.

Sa resolusyon na ipinalabas noong Agosto 2, sinabi ni Division chairperson Sarah Jane Fernandez na ang argumento ni Catamco sa kanyang kaso ay walang merito.

“The arguments raised by the accused are essentially a rehash of her previous arguments and have been considered by the court,” nakasaad sa resolusyon.

Ayon sa anti-graft court, ang claim ni Catamco kaugnay ng timeframe ng sinasabing scam kung saan sinabi nito na isa pa siyang pribadong indibidwal, ay walang basehan alinsunod sa batas.

Nilinaw ng korte na : “ the law does not require or mention that an incumbent public officer must be in government service at the time of the commission of the offense.”

Nag-ugat ang kaso ni Catamco sa maanomalyang pag-a-award ng P5 million government contract sa Perzebros Corporation nang walang public bidding.Ang nasabing kumpanya ay pag-aari umano niya at ng dating asawa na si Pompey Reyes.

Nakapaloob sa kontrata ang pagbili ng 3, 333 bote ng liquid fertilizer na nagkakagalaga ng P1,500 bawat isa na umano’y overpriced.

Dahil dito, kinasuhan si Catamco nang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may kaakibat na suspension sa ilalim ng Section 13.

Inatasan ng Sandigabayan ang Department of Interior and Local Government na ipatupad ang suspension order na pirmado nina Associate Justices Karl Miranda at Kevin Narce Vivero. ( Allan Yves Briones)