Abante Tonite
Mabilis sa Balita

90 bus sasaklolo sa mga MRT commuter

0 312

Magde-deploy ng 90 bus ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) para matulungan ang mga pasahero na maaapektuhan dahil sa pagkaantala ng kanilang operasyon kada weekend.

Ngayong araw hanggang bukas Hulyo 5, at magpapatuloy hanggang Agosto 8 at 9, 21 at 23, sa Setyembre 12 at 13 isasagawa ang weekend shutdown sa MRT-3 para sa pagpapalit ng mga riles. Aalis ang unang bus ng alas-5:30 ng umaga at ang huli naman sa alas-otso ng gabi mula North Avenue at Taft Avenue stations.

Sakaling matapos na ang pagpapalit sa riles mas mapapabilis umano ang operasyon ng tren sa Disyembre.

Leave A Reply

Your email address will not be published.