Abante Tonite Interactive

900K shabu nasamsam sa Alabang mall buy-bust

244

Halos isang milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang suspek na kanilang nabitag matapos isailalim sa buy-bust operation sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City.

Base sa inisyal na ulat, kinilala ang suspek na si Rassive Abo Tumanggong na nahulihan ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P900,000.

Hindi binanggit kung anong mall sa Alabang ikinasa ang buy-bust operation kung saan ay isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na bibili umano ng droga at nang magpositibo ito ay dinampot nila ang suspek.

Abante Hiring – IT dep

Umamin umano ang suspek sa pagkakalakal ng iligal na droga.