Abante Tonite Interactive

903M Ultra Lotto jackpot hindi tinamaan

317

Hindi pa rin nahagip ang P903 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola Biyernes nang gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi rin natumbok ng milyong mananaya ang mga numerong 01-30-27-36-49-12 na may kabuuang premyong P903,390,150.

Pebrero 2018 nang huling tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto.

Sabi ng PCSO, ang P903 milyon ang pinakamataas na jackpot prize sa kasaysayan ng lotto.

Noong Hunyo 2010, umabot sa P741 milyon ang tinamaan na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na tinayaan sa outlet sa Subic Bay Freeport ng isang balikbayan mula sa US.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Linggo, Martes at Biyernes.