Abante Tonite
Mabilis sa Balita

90K daily COVID test kailangan sa NCR – VP Leni

0 366

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangan pang dagdagan ang mga isinasagawang COVID-19 test kada araw para matukoy kung gaano karami ang mga kaso ng coronavirus infection sa bansa.

Sa kanyang Facebook post nitong Linggo, sinabi ni Robredo na sa ngayon ay nakakapagsagawa lamang tayo ng mula 30,000 hanggang 50,000 test kada araw sa buong bansa.

Subalit ang positivity rate aniya sa ilang rehiyon ay mataas kung kaya’t hindi sapat ang bilang ng mga isinagawang COVID-19 test.

“WHO [World Health Organization] standard is positivity rate should be less than 5%. We need to have that as our target,” ayon kay Robredo.

Nagpakita pa si Robredo ng infographic hinggil sa mga isinagawang COVID-19 test sa bawat rehiyon sa bansa kung saan lumalabas aniya na sa National Capital Region (NCR) pa lamang ay kailangan ng hanggang 90,000 COVID-test kada araw.

“Based on this table, in NCR alone, we need about 90,000 tests per day. Here, positivity rate is 20.17%. This means for every 5 tests, 1 turns out positive,” sabi ni Robredo.

Ayon kay Robredo, Cagayan Valley ang may pinakamataas na positivity rate na 28.94%.

“This means that for every 4 being tested, more than one is Covid-positive. We need to conduct a minimum of 3,860 tests per day if we are to target 5% positivity rate,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.