Abante Tonite
Mabilis sa Balita

91% ng Pinoy positibo pananaw sa 2021

0 89

Nasa 91 porsyentong mga Pinoy ang umaasang may pag-asa sa pagpasok ng 2021, batay sa Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Nobyembre 21 hanggang 25, natuklasan na pitong porsiyento ng mga respondent ang sasalubong sa Bagong Taon nang may takot, na mas mataas kumpara sa apat na porsiyento lamang noong 2019.

Isa sa dalawang Pinoy rin ang umaasang magiging masaya ang Pasko, 15 porsiyento ang inaasahang magiging malungkot ito at 33 porsiyento ang inaasahang ito’y hindi masaya at hindi malungkot.

Sa mga nag-e-expect na magiging malungkot ang Pasko, 83 porsiyento ang nagsabing sasalubungin nila ang Taong 2021 ng may pag-asa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.