Abante Tonite
Mabilis sa Balita

91% Pinoy naka-protective mask pag lumalabas

0 245

Lumabas sa isinagawang survey ng YouGov sa pakikipag-partner sa Institute of Global Health Innovation sa Imperial College London na 91% ng mga Filipino ang nagsusuot ng facemask kapag lumalabas ng bahay.

Sa may 29 na bansang ginawan ng survey ng London-based data analysis group sa pagitan ng Hunyo 22 at 28, ang Pilipinas ang ikalawa sa mga bansa na may pinakamataas na percentage ng mga citizen na palaging nagsusuot ng mask kapag lumalabas sa kanilang bahay.

Ang pinakamataas na percentage ay ang Singapore na may 94% ng kanilang populasyon ang palagiang nagsusuot ng mask kapag lumalabas ng bahay.

Ayon sa survey, 1% lamang Filipinos ang hindi nagsusuot ng masks paglabas ng kanilang bahay , 2 % naman ang minsan ay nagsusuot, at 5% ang hindi malimit magsuot ng masks.

Gayunman, sa pag-aaral sa kabila na 91% Filipino ang nagsusuot ng mask, 83% naman ang palaging naghuhugas ng kamay at 50% ng populasyon ang umiiwas na lumabas.

Samantalang 58% namam ang gumagamit ng sariling oto kesa sa sumakay sa pampublikong sasakyan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.