Abante Tonite Interactive

93,000 quarantine violator sa loob ng 22 araw

576

Mahigit 93,000 katao na ang nahuling lumabag sa loob ng 22 araw ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, ayon sa ulat ng Joint Task Force COVID Shield nitong Miyerkoles.

Ayon sa datos na inilabas ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, umaabot na sa 93,242 indibidwal ang binigyan ng babala, inaresto at pinagmulta dahil sa paglabag sa umiiral na quarantine protocol.

Sa nasabing bilang, aabot sa 66,063 ang hinuli ng pulisya pero pinagsabihan muna at saka pinalaya. Nasa 22,787 ang inaresto habang 4,392 ang ikinulong at pinagpiyansa dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Ang Joint Task Force COVID Shield ay binubuo ng mga pulis at sundalo na nagmamando sa mga checkpoint Sila rin ang umaaresto sa mga pasaway na nagmamatigas sa pagdaan sa mga checkpoint.

Samantala, umabot naman sa 657 katao na ang inaresto dahil sa pagbebenta ng overpriced na mga medical supply sa Metro Manila at ibat-ibang lugar sa Luzon. (Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad