Abante Tonite
Mabilis sa Balita

96th NCAA aarangkada

0 67

Sisimulan na ang ang aksiyon sa virtual 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021 ngayong Lunes.

Umere Linggo sa bagong broadcast partner ng liga sa GMA Network ang opening ceremonies na may temang “Rise Up Stronger”.

Larga ang tatlong araw na taekwondo poomsae competition na aabutin ng Hunyo 17 na men’s, women’s junior’s at freestyle events kasunod ang speed-kicking competitions sa Hun. 18-Hulyo 5.

Ilalatag din ang online chess habang binabalak ang skill-based competitions ng basketball at volleyball. Napurnada ang 95th NCAA noong Marso 2020 dahil sa COVID-19. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.