Abante Tonite
Mabilis sa Balita

97 kandidato gustong maging presidente ng ‘Pinas

0 62

Halos 100 indibiduwal ang naghahangad na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec), 97 indibiduwal ang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-pangulo.

Pangunahin sa mga naghain ng COC sina Senador Panfilo `Ping’ Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao, dating senador Bongbong Marcos at Senador Ronald `Bato’ dela Rosa.

Samantala, umabot naman sa 29 indibiduwal ang naghain ng COC sa pagka-bise presidente kabilang sina Senate President Vicente ` Tito’ Sotto III, Doc Willie Ong, Senador Francis Pangilinan, Buhay party-list Rep. Lito Atienza at Senador Bong Go.

Nasa 176 katao naman ang target na maging senador habang 270 party-list group ang nais makakuha ng upuan sa Kamara.

Nitong Biyernes, Oktubre 8, ang huling araw ng paghahain ng COC ng mga kakandidato sa 2022 elections. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.