Abante Tonite Interactive

98 Abu Sayyaf sumuko

By
5

Nasa 98 na ang bilang ng mga sumukong kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa militar sa Western Mindanao.

Ayon kay Lieutenant General Carlito Galvez, Jr., ang commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kabilang na sa nasabing bilang ang dalawa pang bandido na sumuko sa militar sa Basilan.

Kinilala ang dalawa na sina Serham Hasim Akkalun at Hapid Madjakin, kapwa mga Basilan-based ASG na sumuko sa tropa ng 13th Special Forces Company ng Joint Task force Basilan na nasa ilalim ni Colonel Juvymax Uy sa Barangay Guinanta, Albarka, bandang alas-kuwatro ng hapon kamakalawa.

Abante Hiring – IT dep