Abante Tonite
Mabilis sa Balita

980 UV Express balik biyahe sa Lunes

0 455

Mayroong 980 UV Express ang pinayagang bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Lunes, Hulyo 29.

Inanunsyo nitong Sabado ng LTFRB ang nasabing bilang ng mga UV Express na inaprubahang bumiyahe sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya nito.

Inihayag din ng LTFRB na inaprubahan din nila ang 47 ruta kung saan puwedeng bumiyahe ang mga UV Express sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya nito para madagdagan ang masasakyan ng publiko.

Kasabay nito, pinaalala ni LTFRB chairman Martin Delgra sa mga UV Express driver at operator na dalawa lang ang puwede nilang isakay sa kada row ng mga upuan sa loob ng sasakyan at dapat sundin ang isang metrong physical distance.

Leave A Reply

Your email address will not be published.