Abante Tonite Interactive

99 Hanjin worker pasok sa Build, Build, Build

By
0 153

Umabot sa 99 na mga dating manggagawa ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines ang natanggap sa job caravan na isinagawa sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales para sa Build, Build, Build program ng gobyerno.

Nabatid na karamihan sa mga hired-on-the spot ay para sa posisyon ng welder, electrician, mason, fitter, engineer, driver, painter, scaffol­der, rigger, administrative assistant/clerk, at sales/marketing staff.

Nasa 103 na mga employer ang lumahok sa job fair na inilaan para sa mga manggagawa ng Hanjin na nawalan ng trabaho.

Ang isang araw na job fair ay nakapagtala ng kabuuang 4.051 aplikante at 2,464 na mga manggagawa ng Hanjin ang lumahok.