Abante Tonite Interactive

999 Mall binulabog ng daga

0 1,420

Nag-viral ngayon sa social media ang video ng isang daga na nangulit sa escalator ng isang mall sa Divisoria na naghasik ng takot sa mga mamimili.

Sa nasabing video, makikitang hindi umaandar ang escalator ng mall kaya nagmistulang hagdan ang escalator na dinadaanan ng mga shopper.

Ilan sa mga dumaan na tao ay tila kalmado pa at hindi pinapansin ang dagang nakatigil na mistulang guwardiya subalit nang makitang tumalon ito ay nabulaga kaya’t nagtalunan at nagtakbuhan na rin ang mga dumaraan sa takot.

May ilang napasigaw at napatalon sa pagkabigla at takot na maabutan sila ng daga na may kalakihan na rin at malikot na palipat-lipat ng lugar sa escalator.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit tatlong milyon ang views sa video at 50,000 shares simula nang ma-upload ito may apat na araw na ang nakararaan.

Hanggang ngayon ay walang pahayag ang pamunuan ng nasabing establisimiyento na base sa kumakalat na video ay natukoy na nangyari diumano ang insidente sa 999 Shopping Mall.

Gayunman, hindi ito pinalagpas ng Manila City Health Office Sanitation Division at mabilis na ininspeksyon ang mall at lumitaw na hindi maayos ang waste disposal system kaya’t nagkalat at pagala-gala ang mga daga dito.

Nakatakdang ipatawag ang pamunuan ng mall para hingan ng paliwanag kung bakit nila hinahayaang mamahay ang mga daga sa loob ng kanilang establisimiyento.

Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang insidente.

Rei Hino: Ewwww Takot ako sa Daga sa Bahay kahit uminom ako ng Tubig sa Gabi muntik akong magulat sa Daga.

Norie Casison: Sanay sa tao ang daga..ha ha ha..

Kob Gab: Literal na Mall Rat.

Kizzechoy: Grabe yung daga… natatawa ako.. nang gugulat.. hahaha.. bulaga.. hahaha..

Franz Gilex Aguilar: Kung sino ang manager at staff ng mall nito, dapat panatilihing malinis ang lugar upang di manirahan ang mga pesteng hayop! Ganun lang yan ang nangyayari. Dapat responsable kayo sa kalinisan lagi.

Marilyn Andong: Nice so funny si daga nag shoping din pla sya..

Ftoon Del Mar: Nakishopping lang naman ung daga. …binalita agad.

Cutie me: Is that a new parlor game? Lol.

Daga nanggulat sa mga mamimili sa isang mall sa Divisoria