Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9K nurse, health worker kailangan ng DOH – Nograles

0 272

Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na naghahanap ang Department of Health (DOH) ng karagdagang nurse at mga health worker para madagdagan ang workforce nito ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Ayon kay Nograles, kabuuang 9,365 na posisyon ang kinakailangang punuan ng DOH para madagdagan ang kasalukuyang health workforce nito na 6,510 na nagtatrabaho sa iba’t ibang health institution.

Bukod aniya sa DOH, naghahanap din ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga contact tracer para madagdagan ang kasalukuyang bilang nito na nasa 73,000 na. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.