Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9K Pinoy balik ‘Pinas gamit ang Subic airport – BI

0 74

Iniulat ng Bureau of Im­migration (BI) na mahigit 9,000 overseas Filipino worker ang nakabalik ng bansa sa pamamagitan ng Subic Bay International Air­port (SBIA) sa Olongapo City.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI-Clark International Air­port (CIA) head supervisor Maan Krista Lapid-Legaspi nasa 9,111 pasahero ang du­mating sa bansa sa SBIA simula Hulyo nang buksan ang service special commercial flights mula sa ibang bansa.

Ang Philippine Airlines ang nagbiyahe sa mga over­seas Filipino worker (OFW) at iba pang Pinoy na stranded sa abroad dahil sa COVID-19 pandemic.

“Our immigration of­ficers in Clark are serving these Subic flights that arrive twice a week, each of which carries an average of 200 to 300 passengers,” ani Legaspi.

SM food to go Banner Ad

Idinagdag pa nito na nasa 35 flight na ang lumapag sa Subic mula nang simulan ang repatriation flights.

Sinabi pa ni Legaspi na lahat ng repatriation flights ay galing sa mga sumusunod na lungsod sa Middle East, China at Palau.

“We assure PAL and our stakeholders in Subic that our officers will always be available to process the pas­sengers of these repatriation flights,” ani Morente. “Upon receiving the advanced no­tice on the schedule of these flights, we designate the number of immigration officers to provide arrival for­malities,” dagdag nito.

Matatandaang binuksan ang Subic airport nang muling buksan ang operasyon ng mga international flight noong Hulyo matapos ang halos isang taong pagsuspinde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.