Abante Tonite Interactive

Aabante o titiklop sa nationwide curfew

114

Nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa implementasyon ng curfew sa ilang lungsod sa Metro Manila, partikular sa Maynila, Quezon City at Navotas.

Naunang nang iginiit ng mga petitioner na labag sa Konstitusyo­n ang curfew dahil kontra ito sa isinasaad ng RA 9344 o Juvinile Justice and Welfare Act of 2006.

Bago ang pagpapalabas ng TRO ay nagpapatupad ang Navotas alinsunod sa kanilang ordinansa ng curfew dakong alas-10:00 ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw.

Ganito rin ang oras ng curfew sa Maynila habang mula alas-10:00 naman ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ipinatutu­pad ang curfew sa Quezon City.

Isang tinik sa isinusulong na nationwide curfew ang kautusang inilabas ng Korte Suprema.

Pero naniniwala kaming magkakaroon din ng malakas na laban ang pamahalaan tungo sa katuparan ng curfew sa lahat ng menor-de-edad sa bansa lalo na’t maraming paslit na ang nasasangkot sa iba’t ibang krimen habang may ibang nagiging biktima ng masasamang elemento sa ating lipunan dahil dis-oras na ng gabi ay pakalat-kalat pa sa kalsada.

07-27-2016-tro-curfewNaniniwala rin kaming kaila­ngang kilalanin ang karapatan ng mga kabataan, lalo na ang mga menor-de-edad pero dapat ay may hangganan dahil marami nang mga bata ang nagiging pasaway at hindi na kayang suhetuin at banta­yan ng kanilang mga magulang.

Kaya ang implementasyon ng curfew ay makatutulong ng ma­laki upang mapanatili sa mga bahay ang mga menor-de-edad at mailayo sila sa anumang uri ng gulo o karahasan.

Kaya sana ay hindi maging hadlang para sa mga nagsusulong ng nationwide curfew ang inilabas na TRO ng Supreme Court (SC) bagkus ay gamitin pa nila itong rason para palakasin ang laban upang maipatupad ang curfew sa mga menor-de-edad at kila­lanin itong hindi labag sa ating Konstitusyon.