Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aakyat ng ligaw, nangisay

0 64

ISANG lalaki na aakyat sana ng ligaw ang natagpuang patay matapos makuryente kamakalawa sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ni Mangaldan Police Station (MPS) chief-of-police P/Lt. Vicente Castor Jr. ang biktima na si Nelson Ramos, 31, ng San Carlos, Pangasinan.

Sa report ng MPS, ayon sa kapatid ni Ramos, nagpaalam umano ang huli na aakyat ng ligaw sa Barangay Pogo sa Mangaldan.

Ayon sa pulisya hindi daw nakarating sa pupuntahan ang biktima matapos makuryente sa live wire sa maisan malapit sa bahay ng nililigawan.

“Nakita nga nila itong lifeless body ng isang lalaki si Nelson. Nag-conduct ng immediate first aid pero ito ay wala nang buhay,” ani Castor Jr.

Ayon naman sa kaanak ng biktima, duda ang mga ito sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Gayunman, sinabi ng pulisya na wala raw nakikitang foul play sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.