Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aanhin ang matitipid kung tatamaan naman ng virus

0 191

Nakakabahala ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Makikita sa telebisyon ang bulto ng mga taong nagsasadya sa Divisoria para mamili ng kanilang regalo at pamasko.

Sabagay mura naman talaga ang presyo ng mga paninda sa Divisoria, malayung-malayo sa presyuhan sa mga malls.

Kanya nga lamang may kapalit na peligro ang pagdayo sa Divisoria ng mga mamimili lalo ngayong patuloy sa paglobo ang kaso ng COVID.

Kaya ang payo ko sa ating mga kababayan ay magdalawang –isip bago sumugod sa Divisoria o sa iba pang pamilihang dinadayo dahil sa mababang presyo.

Sapat ba ang matitipid natin na pampagamot sakaling tamaan tayo ng COVID?

Yan lang ang isipin natin at tiyak na magdadalawang-isip kayong mamili sa Divisoria.

Alam kong nag-iingat tayo sa pagsadya sa Divisoria, kuntudo gamit ng face mask, face shield pero ang problema sa lugar na iyan ay walang distancing kaya kahit anong proteksyon ang gawin natin ay malaki pa rin ang panganib nating mahawa ng COVID.

Pinakamainam ay magpa-deliver na lamang online ng panregalo o hindi kaya ay ipagpaliban na muna ang pamimigay ng regalo at tiyak ko namang mauunawaan ito ng inyong mga mahal sa buhay at inaanak.

***

Hinay-hinay cong

Related Posts

Hind ko matiis na hindi magkomento sa isang isyu sa Kamara.

Patungkol ito kay AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin na naging kontrobersiyal nang mag-ober-da-bakod at suportahan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kasalukuyang House Speaker, gayong kaalyado ito ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Siyempre isa ito sa unang naging casualty dahil sinibak siya bilang Chairman ng House Committee on Economic Affairs.

Mula noon ay naging dikit na sila ni Velasco at naging kaalyado na.

Sabi-sabi ang House Ways and Means Committee na inuukopa ni Albay Rep Joey Salceda ang target ng lady solon subalit hindi ito uubra kay Salceda kaya Deputy Speakership ang ipinangako.

Dumating ang Nobyembre 9 sa mismong kaarawan ni Velasco nasira ang pangarap ni Garin dahil nasangkot daw ito sa isang isyu.

Dahil feeling close ay biniro diumano nito si Davao Rep. Pulong Duterte na hindi binoto si Velasco pero nagkapuwesto.

Hindi umano nagustuhan ng presidential son ang biro ng feeling close na kabaro kaya nagka-tensyon at kalaunan ay nagpahayag umano si Pulong sa mga kasamang kongresista na didistansya na ito sa ruling majority dahil nakukuwestiyon ang kanyang loyalty.

Naging usap-usapan rin na nagbantang bitawan ni Pulong ang House Accounts Committee ang kinukuwestiyong ni Garin.

Bunsod ng pangyayari, etsapuwera na raw ang lady solon sa grupo ng mga kaalyado ni Velasco katulad ng bicam sa 2021 budget.

Malayong-malayo sa kaniyang naging papel sa 2020 budget dahil miyembro ito ng 21-panel makaraang italaga ni Cayetano na bahagi ng bicameral conference.

Hindi lang yan dahil malabo na rin daw maitalaga si Garin na House Deputy Speaker, how sad naman ang kinahantungan ng lady solon sakaling totoo ang lahat ng bulung-bulungan ngayon sa Kamara.

Leave A Reply

Your email address will not be published.