Abante Tonite Interactive

Aaron Carter nangayayat

573

Malaki ang ibinagsak ng pangangatawan ng singer na si Aaron Carter. Naalarma ang kanyang ina na si Jane dahil umabot na sa halos 115 pounds ang timbang ng anak.

Nitong Huwebes, November 15 ay umuwi si Aaron sa tahanan ng ina sa Florida. Kaagad siyang isinugod sa ospital. Nag-post si Aaron ng larawan niya na nakahiga sa kanyang Instagram.

Aniya, “Mommas gonna take care of me.”

Ang biglaang pangangayayat ay dahil umano sa stress na nararanasan bunga ng kanyang restraining order mula sa kapatid na sina Nick at sa kambal na si Angel.

Matatandaan na nitong Setyembre ay binantaan niya na papatayin umano ang buntis na asawa ni Nick. (Ronaline Avecilla)