Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abalos sa DILG, DFA matunog kay Clarita Carlos

0 49

Itatalaga umano ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“I would also like to announce that chairman Benhur Abalos has been nominated to lead the Department of the Interior and Local Government and he has accepted the challenge,” sabi ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson at chief of staff ni president-in-waiting Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na nagbitiw si Abalos bilang chairman ng MMDA upang tumulong sa kampanya ni Marcos.

Samantala, matunog naman ang pangalan ng political analyst na si Prof. Clarita Carlos bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bagong administrasyon.

Sa panayam kay Carlos sa SMNI News Channel, tinanong siya tungkol sa pangalan niya na nakalista umano para sa DFA.

Natatawang sinabi ni Carlos na ayaw niyang pangunahan ang kampo ni Marcos tungkol dito pero inamin niya na bago lumabas sa social media ang naturang listahan ay nakausap na siya ng kampo ni Marcos.

“Mayroon pero confidential… Hindi ko mare-reveal `yong content ng conversation so hintayin n’yo na lang na sila `yong mag-announce,” ani Carlos.

“I’m very happy that as a scholar, my expertise has been recognized, but I think there are certain positions na I don’t want to do kasi hindi ko area ‘yun eh,” dagdag niya.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Rodriguez ang umano’y listahan ng mga magiging miyembro ng gabinete ni Marcos na kumalat sa social media. (Billy Begas/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.