Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abando inalaska ng mga netizen

0 38

INULAN ng pambabatikos ang dating star ng University of Santo Tomas Growling Tigers na si Rhenz Abando.

Nagsimulang batuhin ng masasakit na komento ang ngayo’y nasa Letran Knights nang player nang mag-post ito ng larawan kasama ang kanyang nobya.

Ang daming netizen ang nagbato nang hindi magagandang salita kay Abando.

Nariyan ang mga bumanat na ito na ang susunod sa yapak ni Mark Barroca na tinaguriang ‘Coffee Prince’.

Inaasar ng netizens si Abando dahil sa layo ng itsura nito sa kanyang nobya.

May humirit pa na “Mark Barroca left the group.”

May ilan pa na nagsabing nag-glow umano si Abando, pati ang nobya niya na si Rizyl Diamante ay tinira na rin.

Hirit ng mga ito na naninigurado lang ang babae pagdating sa usaping pera dahil maganda ang karera ng nobyo sa basketball.

Hindi pinalagpas ni Abando ang mga pang-aasar sa kanya, humirit ito sa kanyang social media na, “pikit pag na inggit!” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.