Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abando tinawag na aso ang basher

0 86

Hindi nakapagtimpi pa si former UST Growling Tiger Rhenz Abando nang patulan ang isang basher sa social media.

Bago ito, isang netizen ang nagpatutsadang mukhang pera si former UST cager kaya lumipat sa Letran Knights.

“Bata ka boi pera pera na,” tweet ng nasabing basher.

Agad naman itong inalmahan ni 6-foot-2 forward.

“Andami mong sinasabi wala ka namang alam sakin. Ah sabagay ganyan pala ang aso pag di ka kilala tatahulan,” resbak ni Rhenz.

Kamakailan kasi ay lumundag ng Letran ang La Union pride matapos mabungi ang Espana-based squad dulot ng kontrobersiya ng ‘Sorsogon Bubble’.

Sa ngayon ay pumugad sa NCAA defending champion Letran Knights si Rhenz na pinangungunahan ni coach Bonnie Tan at special assistant ng rector na si Al Francis Chua ng San Miguel Corporation. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.