Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abangan bigtime diskuwento sa mga hotel

0 63

Simula sa September 15, magpapasiklaban ang iba’t ibang hotel sa bansa na makikita sa kanilang online travel ang sale at iba’t ibang promo para sa muling pagbubukas ng turismo at makaahon sa halos isang taon ng pandemic.

Gaganapin sa Sept. 15 hanggang Oct. 15, 2021 ang from Sept. 15 to Oct. 15, 2021 ang SOS o September Online Sale na magbibigay ng nakagugulat na ” promotions and discounts” sa may mahigit 80 hotels sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng Hotel Sales and Marketing Association (HSMA), mago-offer ang SOS ng hotel vacation and food & beverage packages na bababa sa 70 percent off na tiyak na papatok sa panlasa ng mga dayuhan at turista para makita ang mga magagandang tanawin ng PIlipinas.

Makakabili ng kanilang discounted packages sa e-vouchers na maaaring ma-extend ang paggamit base sa request.

Matatandaang kumita ng P14-Million ang SOS noong 2020 at umaasang mas lalago ito ngayong 2021.

Ayon kay Benjie Martinez, HSMA President and Area Director of Sales & Marketing, naglaan sila sa Bayleaf Hotels ng iba’t ibang promo para tangkilikin ng mga customers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“From a 15-day event, we’ve planned a month-long travel mart. We are also including the ancillary services of the properties such as restaurants, bars, banquet packages, spa, gym and pool, and other facilities of the hotel, making this year’s campaign more thrilling and inviting,” ayon pa kay Martinez.

Nakapagbenta ng mahigit 2,000 vouchers noong SOS 2020 dahil sa kani-kanilang strategy sa sales and promotions.

Staycation hotels sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay pinapayagan naman basta hindi puwede ang mga menor de edad at senior citizens.

Sinisiguro ng HSMA na sumusunod ang mga hotel sa health protocols na guidelines ng IATF para sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, tinitiyak naman ni Board Chair Margie Munsayac, na nasa 98% ng mga empleyado ng HSMA ay nabakunahan na sa tulong ng Department of Tourism (DOT) at local government units (LGU).

Kapartner ng SOS ng HSMA ang DOT, Tourism Promotions Board (TPB), Atlantis, at Isentia, katuwang din ang Cebu Pacific, bilang airline partner. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.