Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abangers sa basbas ng GMA : Paolo may pasabog kay LJ

0 243

Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ang sagot ni Paolo Contis sa mga naging pahayag ng ex-partner niyang si LJ Reyes hinggil sa kanilang hiwalayan.

Maraming dapat sagutin actually si Paolo. Bukod sa mga sinabi ni LJ ay dapat din niyang linawin ang viral photos ngayon na pinaniniwalaang sila ni Yen Santos kung saan ay makikitang magkasama sila (sa Baguio at sa Manaoag Church according to the netizens).

Bilang lalaki, siya ang dapat sumagot at maglinaw ng isyu ng pagkakadawit ni Yen sa hiwalayan nila at itinuturong 3rd party.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nag-message siya kay Paolo sa Viber for interview at sumagot naman daw ang aktor.

Ang sabi raw ni Paolo ay kailangan muna niyang hingin ang consent ng GMA-7 tungkol dito bilang isa nga siyang Kapuso talent.

“Sabi ni Paolo, ‘hindi muna ako magsasalita, kasi kailangan may bendisyon pa rin o may consent ng GMA’ because sila ay parehong talent ng GMA,” ani Ogie.

SM food to go Banner Ad

If ever na magsasalita man si Paolo, expect na nga raw natin na sa GMA-7 ito.

“Kung magsasalita man si Paolo, definitely, huwag na tayong ma-shock kung magsasalita si Paolo sa GMA dahil obviously, contract artist siya ng GMA-7,” sey pa ni Ogie.

Nagbigay rin ng opinyon ang talent manager/vlogger kung si Yen nga ba ang nasa larawang babaeng kasama ni Paolo na nag-viral.

“Feeling ko, siya (Yen), pero siyempre, may storya sa likod ng usapin na ‘yan, ng issue na ‘yan. So, hindi rin natin sila para pangunahan dito,” sabi ni Ogie.

Sa nasabing kontrobersyal na mga larawan at video, makikitang naka-face mask ang babaeng kasama ni Paolo kaya hindi sure kung sino ba talaga ito although similar kay Yen ang buhok at build ng katawan nito.

Si Paolo naman ay nakilala ng netizens dahil sa isang larawan ay hindi niya suot ang kanyang face mask.Nakunan din ang isang side ng kanyang mukha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.