Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Abante babae’ sigaw sa Batasan

0 103

“Abante Babae! Magpalakas at magpakatatag, ito ang tangi nating kakapitan!”

Ito ang hamon ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sa mga babae ngayong buwan ng kababaihan.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Cullamat na ang kababaihan ngayon ay nangunguna sa pagsusulong ng pambansang kagalingan at karapatan ng mahihirap na mamamayan.

“Sila ay nasa unahan ng mismong labanan para pawiin ang pambubusabos sa mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan,” ani Cullamat.

Nanawagan naman si Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa pagpapalakas sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagpapaunlad ng bansa.

Marami pa rin umanong babae ang patuloy na inaabuso at walang magawa dahil nakasandal sa kanilang mister.

“It is time for us to give them the financial independence and confidence to generate their own income. Let us empower our women to make use of their skills and talents by providing them viable income alternatives, trainings, and opportunities for start-ups for those who want to be entrepreneurs,” dagdag pa ni Legarda. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.