Abante Tonite Interactive

Abante Christmas party pasabog

450

Dumaan man sa pagsubok ang Prage Management (Abante, Tonite, Celebrity Radar) kamakailan, matapos sunugin ng mga armadong kalalakihan ang warehouse.

Hindi ito naging hadlang para sa bonggang Christmas party ng mga empleyado.

Mas pinabongga ang Christmas party ng Abante nitong Miyerkoles, Disyembre 11 sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City. Dinaluhan ito ng mga bigating politiko, artista, atleta. Kabilang na diyan sina Senator Francis Tolentino, PCOO Sec. Martin Andanar, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Navotas Mayor Toby Tiangco, mga mga staff ni Senator Win Gatchalian at mga staff ni Vice President Leni Robredo.

Siyempre, hindi mawawala ang mga bigating artista kagaya ni Kyline Alcantara na always present sa Christmas party ng Abante, sina Jana Victoria, Assunta de Rossi, Patricia Javier (Noble Queen of the Universe), Beau Singson-Villanueva (Noble Queen Globe), Mojack, Sephy Francisco, at Daren Dyhengco.

Maging si Annabelle Rama ay hindi pinalagpas ang pagkakataon na bumisita. Labis siyang nagpapasalamat sa Abante dahil sa patuloy na suporta sa “Gutierrez Family”.

Maging ang SEA Games gold medalist sa larangan ng MMA na si Mark Mugen ay dumalo rin. Present din sina Dr. Rylan Flores, Rey Sibayan, John Guarnes, Jerry Codiñera at Charlie Favis.

Bukod sa pagdating ng mga politiko at celebrities, pasabog ang papremyo at parapol para sa mga empleyado.

May mga bagong award pa na ibinahagi sa mga empleyado.

Wagi sa Awra of the Year sina Raymonette Samonte (Sucat); Cubao – Eva Yan (Cubao) at Risa Divina (Makati). Sa Beshie of the Year naman ay sina Imelda Yabong (Sucat); Ivan Verian (Cubao) at Mikhil Geroche (Makati). Sa

Bayani of the Year ay sina John Jerole Salacsac (Sucat); Ariel Jerald Tolentino (Cubao) at Ray Mark Patriarca (Makati).

Siyempre may award din mula sa mga sponsor kagaya ng Mr. Blackwater na nakamit ni Jerome Mortil at Ms. Pinkwater na nakamit naman ni Ms. Jeane Lacorte. Winner naman si Alec Paolo Ventocilla bilang Mr. Dermaesthetic at Ms. Dermaesthetic naman si Khatrina Martinez.

Ang tinanghal naman na Employee of the Year ay si Ramon Romero. Binigyan ng pagkilala ang mga empleyadong rumesponde sa sunog na nangyari sa Planta ng Abante sa Sucat. Ang tumanggap ng plaque of recognition ay sina Crisesto Cabrera Jr., Manuel Nicolas, Dennis Mahusay, Marivic Estilong, Ramon Romero at Julius Fermia Jr.

Napuno rin ng tawanan ang Christmas party dahil sa performances ng mga empleyado mula sa Sucat, Cubao at Makati. Sa huli ay nagwagi ang grupo ng “Habagat” mula sa Sucat. (Rona Ronda)