Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abante columnist hari sa online chess

0 286

Giniba ni Grandmaster Rogelio Antonio Jr. si Stephen Manzanero saka nakipaghatian ng puntos kay Eduard Sumergido sa 15th at final round upang makamit ang titulo ng 4th Baby Uno Online Chess Tournament-Engr. Julio Trunio Jr. Cup sa lichess.org noong Huwebes ng gabi,

Lumikom ang 58-year-old at 13-time national champion ng 13 points sa likod ng 11 wins at four draws sa 135-player, one-day chessfest.

Isang kolumnista sa Abante na kapatid ng pahayagang ito, kakahari lang din ng tubong Calapan City sa M.A. Yabut Realty and Construction Birthday Chess Online Tournament noong Hunyo 27.

Leave A Reply

Your email address will not be published.