Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abante most trusted tabloid – Reuters

0 190

Kabilang ang pahayagang Abante sa apat na media brand sa bansa na nanguna sa tiwala ng mga Pilipino base sa 2021 Digital News Report ng Reuters Institute for the Study of Journalism (RISJ).

Sa mga tabloid, nanguna ang Abante kung saan 47% ng mga Pinoy ang nagtitiwala kasunod ang Bulgar na may 40% lang.

Sa telebisyon ay nasa tuktok ang GMA Network kung saan 74% ang nagtitiwala sa kanila, habang 9% lang ang bumoto ng ‘don’t trust’.

Kasunod ang TV5, na may 68% na nagtitiwala, 60% naman para sa state-run media na PTV-4 at nasa dulo ang ABS-CBN na nakakuha ng 57%.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sa mga broadsheet, ay pinagkakatiwalaan ang Manila Bulletin kung saan 69% ang nakuha nitong rating.

Subalit dikit lang ito sa Philippine Star (68%) at Philippine Daily Inquirer (66%).

Namayagpag naman sa mga pinagkakatiwalaang himpilan ng radyo ang Super Balita DZBB na nakakuha ng 65%, kasunod ang DZRH na nakakuha ng 64% habang may 63% naman ang TeleRadyo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.