Abante Tonite Interactive

Abante/TONITE editor ganap nang guro

172

Kasabay sa pagpapaulan ng mga gold medal ng mga atleta mula sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 Day 1 na nagbigay ng lubos na kasiyahan sa buong sambayanan, umali-ngawngaw rin ang kasiyahan Linggo nang gabi sa Prage Management Corp.-Abante News Group sa Makati City office.

Pasado sa board teachers exam ang isa sa assistant news editor ng Abante/Abante TONITE na si Angelique ‘Gel’ M. Fiedalan, 23, ng Taguig City.

Unang take pa lang ni Gel sa Licensure Exam for Teachers at aminado siyang mahirap talaga, pero ang lahat ng sakripisyo ng

pangalawa sa tatlong supling ng retired private employee at housewife, napawi nang lahat dahil sa tagumpay.

Napaluha si Fiedalan mula sa kanyang kinauupuan habang umasiste sa mga senior editor habang nagdi-deadline sa mga pagsasara ng mga pahina ng dalawang pahayagan.

“Ma’am nakapasa po ako,” ma­ngiyak-ngiyak niyang sambit, kita sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan nang mabasa sa PRC website post na kasama siya sa 54,179 mga nakapasa mula sa may 136,523 na examinee.

Aksidente lang umano ang pagkuha ni Ms. Fiedalan sa AB Filipino noong 2016, cum laude sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila dahil napagsarhan siya ng AB journalism slot noong 2012.

“Thankful sa lahat ng mga boss dito sa Abante, mga kasama sa work at siyempre sa family ko. “‘Pag may gusto ka talaga, kakayanin mo lang, ‘yun na!” aniya.