Abanto, Martinez inabante Roxas

Nagtumpok si Nick Abanto ng 20 markers, 18 boards at 4 blocks para sa Roxas upang tabunan ang Basilan BRT, 79-70 sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge eliminations Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium.
Sumukli si James Vincent Martinez ng 17 points, 3 rebounds at 2 assist upang saluhan sa best player of the game si Abanto at patakasin sa 2-game slide ang Vanguards na umasenso sa 6-5 slate kasalo sa third spot ang host team at Zamboanga Sibuay.

Hindi naman nagklik ang insikor na 23 ni Darwin Lunor sa Pace Riders na bumaliktad sa 4-7. (Aivan Episcope)