Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABAP: 5 boxer kaya sa Olympics

0 249

Limang boksingero ang inaasahan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (Abap) na magku-qualify para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo kahit kahit apektado ng Coronavirus disease ang mga Olympic Qualifying Tournament.

Ito ang pinahayag kahapon ni ABAP president Victorico Vargas kasama si Secretary General Edgar Genaro Picson sa kada Martes na Philippine Sportswriter’s Association (PSA) Forum webcast kung saan dinugtong ang mga plano para sa mga national boxer sakaling tuluyang magbalik sa normal ang kalakaran sa sports.

“We still have Nesthy (Petecio), who wanted to redeem herself. Alam n’yo naman ang buhay niya, biglang tataas at bababa but she remain a women’s world champion, kinapos lang,” ni Vargas. “And then there is also Ian Clark Bautista, Rogen Ladon and Carlo Paalam, who are all in their peak.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.