Abante Tonite Interactive

ABAP boxer nagpugay kay Golez

By
913

Inalala ng ilang ABAP boxer ang mga naibigay na kontribusyon ng former Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Roilo Golez matapos nitong pumanaw dahil sa heart attack, Lunes nang umaga.

Mas nakilala si Golez bilang former National Security Adviser, pero lingid sa kaalaman ng karamihan, ang kinilalang public servant ay sportsman at boxin­g champion noong namamalagi pa siya sa US Naval Academy sa Annapolis, Maryland.
“Hilig niya talaga ang boxing,” sabi ni national coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

Naging four-year straight brigade boxing champion si Golez sa Annapolis.

Noong panahon rin ng ABAP president, nakapag-uwi ang Pilipinas ng 2 gold, 2 silver at one bronze sa 1987 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sa ilalim rin ng kanyang pamamalakad, nagawa nitong maglunsad ng ‘Boxing at the Park’, isang programang nag­lalayong makadiskubre ng may potensyal ma­ging miyembro ng national team, pero hindi nagtagal ay binitawan ni Golez ang puwesto.
“Hindi siya masyado na
gtagal kasi nasa Asia Brewery nga siya. Pero maayos naman pamamalakad niya, marami ding competitions abroad ‘yung mga boksingero natin at nakakakuha rin naman ng mga medalya,” ayon pa kay Velasco.