Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABAP piniling NSA of the Year

0 250

MAKAKAPAGDALA ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ng dalawang boksingero para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na nire-set lang sa parating n July 23-August 8 sa Tokyo, Japan dahil sa Covid-19 bago isinara ng pandemya ang mundo ng palakasan noong nakaraang taon.

Ang middleweight na si Felix Eumir Marcial at flyweight Irish Magno ang mga nag-book ng ticket sa quadrennial sportsfest mula sa Asia and Oceania Boxing Qualification Tournament sa Amman, Jordan noong Marso 2020 narito’y dinale pa ng una ang gold medal sa men’s 75kg. division.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umaasa rin ang pangulo ng ABAP na si Victorico Vargas na may dalawang makakakuha pang silya sa sandaling ilabas ng International Olympic Committtee (IOC) Boxing Task Force (BTF) ang huling listahan ng mga qualified boxer.

Inaasahan ito ay sina flyweight Carlo Paalam at 2019 Ula-Ude AIBA world women’s bantamweight champion Nesthy Petecio base sa mataas na world rankings. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.