Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abarrientos sinayang alok ng NBA

0 253

Bago dumating sina Kai Zachary Sotto, Bobby Ray Parks Jr. at Japeth Paul Aguilar, isang Pinoy ang mas nakalapit sa pangarap na makatungtong sa NBA.

Siya’y ang PBA legend na si Johnny Abarrientos, ngayo’y parte na ng coaching staff para sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Sinariwa ni ‘The Flying A’ ang kanyang natanggap na offer mula sa isang NBA team noong dekada 90s sa Youtube video ng Rec-Create nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“To be honest, at first na-shock ako, parang hindi ako maka-decide. Parang I’m still dreaming nung nakarating sakin yung word na yun na some teams from NBA, like Charlotte Hornets they invited me for 3 months training camp and 10-day contract,” lahad ni Abarrientos.

Nagkainteres ang mga NBA team sa kanya nang tanghaling PBA MVP at makaraang masungkit ng Alaska Milk sa grand slam noong 1996.

Aminado si Johnny A na gusto niyang makatungtong sa international league, pero nahirapang makapili dahil sa PBA. At may panghihinayang kahit paano siya. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.