Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abby, Junjun `dedmahan’ pa rin

0 166

Hindi pa rin nagkikibuan ang magkapatid na Makati City Mayor Abby Binay at kapatid nitong dating alkalde ng lungsod na si JunJun Binay matapos nilang magkaroon ng hidwaan sa mayoralty election noong 2019.

Nitong Lunes, Nobyembre 23, nakapanayam ng Politiko online show host na si Jon Ibanez si dating Vice President Jejomar Binay at naitanong sa kanya kung kumusta na ang dalawang anak na sina Abby at Junjun.

“Kumusta na po mga anak n’yo, nag-uusap na ba?” tanong ni Ibanez.

“Wala namang pagkakataon na magkita. May mga sariling bahay eh. Pagka may mga okasyon, minsan-minsan nagkikita. `Yong mga anak nung bunso ko kasama namin sa bahay,” lahad ni Binay.

Magugunitang nagkaroon ng hidwaan ang mag-utol na Binay nang kapwa tumakbo sa pagka-alkalde sa Makati.

Nagkainitan at nagbangayan pa ang dalawa sa isinagawang forum sa isang simbahan.

Samantala, nagbiro si Binay na dahil sa marital concern ay naka-house arrest siya ngayon at hierarchy ang kanyang kaso.

Sa kasalukuyan ay pinagkakaabalahan ng dating bise presidente ang pagbabasa at paglalakad-lakad.

“Nasa bahay lang, madalas ay nagbabasa. Araw-araw naglalakad ako… madalas hapon,” aniya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.