Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABC president sa Batangas niratrat

0 270

Patay ang presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) sa Ibaan, Batangas matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Senon Arpia Portugal, chairman ng Brgy. Panghayaan at presidente ng ABC sa Ibaan. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nasawi habang isinusugod sa Queen Mary Hospital.

Batay sa report ng Ibaan Police, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Fortuner nang tambangan ito at malapitang pagbabarilin ng riding-in-tandem ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo dakong alas-tres ng hapon.

Ayon kay Major Melvin Balba, hepe ng Ibaan Police, dalawang anggulo ang kanilang tinututukan subalit tumanggi itong ilahad habang patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen. (Ronilo Dagos

Leave A Reply

Your email address will not be published.