Abante Tonite Interactive

Abella, 28 pa sa LGBA circuit rd 5

290

Pagkaraan ng 4 rounds sa Pasay City Cockpit, humatak na ng 154 entries ang “2019 Luzon Gamecock Breeders Association Breeder of Year” derby circuit.

Bitaw ang 3-stag round 5 na LGBA 7-stag derby ngayong Miyerkoles 18 sa mga pagtataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kasama sa mahabang listahan sina Eric Abella, 2019 Luzon Breeders Cup champion Alex Aguirre, Nio Asistio, Rep. Amado Bagatsing, Ronald Barandino, Allan Cantal, Jimmy Junsay, Paolo Malvar, Mayor Elan Nagano, Ronnel Pasia at Hector Magpantay.

Gayundin sina Vic Setias, Larry Wacnang, Carlos Tumpalan, Boy Gamilla, John Aguila, Edito Ajan, Flutz Atienza, Awit Balajadia, Alejandro Basilia, Joseph Chua, Ivan Lao Dy, Allan Enciso, Jovert Garcia, Wilson Go, Robinson Dy, Mike Tolentino, Quincy Tan at Robert Seelin.

Tapos ng siyapulan sa araw na ito, babalik ang sixth round elims sa Oct. 3.

Ang 4-stag final rounds naman ay sa Oct. 7 sa mga may may 1, 1.5 at 2 points, at sa Oct. 11 sa mga umiskor ng 2.5 at 3 pts. (Enjel Manato)

18 Robin Angeles caption:

Umatake ang isa sa mga bata ni BGC,Taguig-based Wednesday Group of Runners coach Merlyn ‘Mherlz’ Lumagbas nang magkampeon si Robin Angeles sa 3rd leg 10K men’s division ng 2019 OYM Party Run + OYM Xtra sa SM By the Bay grounds sa Pasay City nitong Linggo, Setyembre 15.