Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abis, Altas sokpa sa semis

0 62

Mga laro sa Linggo (The Arena, San Juan)
12:00 n.t. – Letran Knights vs Perpetual Help Altas
3:00 n.h. – Mapua Cadinals vs San Beda Red Lions

Kumumpas si John Abis ng 14 points at tig-5 rebounds at assists upang ituloy ang mahikang pananalasa ng Perpetual Help Altas, sinibak ang St. Benilde Blazers, 76-64, sa 97th National Collegiate Athletic Association 2022 senior’s basketball tournament knockout play-in Miyerkoles sa The Arena sa San Juan.

Umayuda rin ng dobleng pigura sina Jeff Egan (13 pts.), Cris Pagaran (12), Jielo Razon (11) at JP Boral (11) upang sakupin ng UPH ang huling silya sa Final Four at itakda ang pakikipagtuos sa defending champion Letran Knights sa Linggo.

SM food to go Banner Ad

Wala sa Las Piñas-based squad ang kamador na si Kim Aurin na nagka-chicken.

‘Di naman napigilan ng 18 markers ni JC Cullar na maiiwas ang CSB na sumama na rin sa unang limang maagang napatalsik na team. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.