Abante Tonite Interactive

Ablaza binalasa ang Zamboanga

124

Nagdikdik si Cedric Ablaza ng 26 points, 5 rebounds at tig-i-1 ­assist, steal at block nang ipagpag ng Makati Super Crunch ang makulit na ­Zamboanga Family’s Brand ­Sardines, 111-106, sa triple overtime sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims ­Miyerkoles nang gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Deretso sa pitong ragasa ang Makati tungo sa 16-3 win-loss overall record at solohin ang Group A North Division second place, nilagare pa ang four-game winning streak ng Mindanao-based squad para bumagsak sa Group B South Division 12-9 at sa ika-anim na puwesto.

May mahalagang ayuda kay Ablaza sina ex-pros Jeckster ­Apinan na 22 markers at 11 bopards, Juneric ­Baloria na may 22 pts. din, at Joseph Sedurifa na naka-13 puntos.

“Kailangan maging leader kami doon sa loob,” dada ni best player of the game Ablaza tapos ang pagkawala ng dalwang key player nila sa team. “Tapos ayun kinausap ko rin si Kib [Kirell Montalbo] kasi kailangan na niya mag step-up.”

May walastik na game-high 33 pts. si ­Alvin Pasaol pero ­napunta pa rin sa ­kawalan pagkakapos ng Chavacanos na naghabol sa 17 points down sa regulation. (­Aivan Episcope)

Ang iskor:
Makati 111 – Ablaza 26, Apinan 22, Baloria 22, Sedurifa 13, Montalbo 9, Manlangit 6, Torralba 5, Villanueva 4, Cruz 4, Lingganay 0, Importante 0, Atkins 0.

Zamboanga 106- Pasaol 33, Rono 17, Thiele 15, Asistio 14, Santillan 13, Reyes 8, Villamor 3, Bonsubre 3, Ignacio 0, Morido 0, Argamino 0.